Truck vs trike: 10 kritikal

BUTUAN CITY — Sam­pu-katao kabilang ang wa­long mag-aaral sa elemen­tarya at hayskul ang malub­hang nasugatan makaraang salpukin ng truck ang tray­sikel na sinasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng highway sa Barangay Tagbu­yakan sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga bikti­mang naisugod sa ospital sa Butuan City ay sina Rudjard Pojas, 14; Rodney Cutar, 15; Joy Sajol, 13; Juminar Ma­liksi, 10; Nick Palo, 11; Enjemel Cilio 14; Nico Cutar, 15; Adonis Cutar, 10; at ang dalawang drayber na sina Leonel Miole at Noel Ramos.

Sa naantalang ulat kay P/Chief Supt. Antonio Dator Nanas, Caraga police regional director, binabagtas ng kulay berdeng Mitsubishi six-wheeler truck (JBS 517) ang nasabing daang-bayan nang aksidenteng masalpok ang traysikel (IO 6279) ng mga biktima dahil sa biglang paghinto nito para kumuha ng pasahero. Tumalsik ng may ilang metro ang traysikel kasama ng mga biktima na patungo sana sa Santiago Poblacion. Ben Serrano

Show comments