2 kidnaper arestado

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Matapos ma­patay ang lider at isang miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom gang sa Laguna noong Huwebes, dalawa pang kasamahang kidnaper ang naaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operations Group (RSOG) kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Nicasio Radovan Jr., Region 4-A police director, ang mga suspek na sina July Pene­verde at Rolando Alarma na kapwa miyembro ng Lagalag Group, na nag-o-operate sa buong Southern Tagalog.

Sina Peneverde at Alar­ma ay naaresto sa kanilang hide-out sa Barangay Lla­vac, Real, Quezon noong Biyernes ng hapon.

Base sa record ng pu­lisya, nasagip ng RSOG, ang negosyanteng si Gina Bro­sas, 32, anak ng mayaya­mang angkan sa bahagi ng Laguna matapos dukutin malapit sa kanyang bahay sa Zamora St., Barangay San Miguel, Majayjay, Laguna noong Miyerkules ng gabi.

Sa nasabing operasyon, napatay ang lider ng grupo na si Jacinto Peneverde at Rolando Lubi matapos mag­kasundong magbayaran ng P3-milyong ransom at ma­laglag sa isang entrapment operation sa Barangay Ma­naol, Nagcarlan, Laguna.

Pito pang miyembro ng grupo, ang nagawa namang makatakas hanggang sa masukol sina July Pene­verde at Alarma sa Quezon.   (Arnell Ozaeta)

Show comments