Malala rin sa labas ng classrooms

Dalawang tripulanteng Pilipino na tinaguriang “Bayani ng Bayan” ang nagwagi ng dalawang house & lot habang apat pang overseas Filipino workers ang nagwagi rin ng isang kotse at tatlong traysikel mula sa pamunuan ng Manila International Airport Authority kaugnay sa kauna-unahang “Air Fare Raffle na inilunsad kamakailan.

Ang mga OFWs na pinagkalooban ng mga malahiganteng regalo sa katatapos na “An Airfare To Remember’ ni MIAA General Manager Alfonso G. Cusi, ay sina Ramon Rosell Jr., tripulante at Wilson Tolentino, maintenance crew, kapwa mga nanalo ng house & lot.

Ipinagkaloob naman ni Cusi ang susi ng kotseng Mitsubishi Adventure kay Nestor Oribio, ang nakababatang kapatid ng nagwaging doktor na si Leonida Orodio, tubong San Vicente, Ilocos Sur bilang representative nito.

Tatlo namang pampasadang traysikel ang ibinigay kina Gregorio Itong ng Bohol City; Rex Rivera, kapwa seaman, tubong General Santos City at Noria Abdul, domestic helper, tubong Cotabato City. (Ellen Fernando)

Show comments