SITCOM

Inamin  sa publiko ni Ca­rolyn Carol Castañeda Ji­menez, asawa ng pilantropo at dating Manila Congressman Mark “MJ” Jimenez na ma­buting asawa ang huli.

Ayon kay Atty. Lorna  Ka­punan, sa kanilang pag-uusap ni Carol, inamin nito na wala siyang galit sa kan­yang asa­wang si MJ, bagkus ay pina­purihan pa nito ang kan­yang mister sa pagsa­sabi na mabuti itong asawa at tao.

Nauna rito, sinabi ni MJ na si Carol ay maayos pang nag­paalam sa kanya noong naka­raang Abril na pupunta la­mang sa Shangrila pero hindi na ito umuwi hanggang sa lumantad sa publiko, ka­sama si Atty. Kapunan at kapatid ni Carol na si Rose Flaminiano at mga anak nito, at sinasa­bing malu­pit na mister si MJ.

Nang ipasuri si Carol kay Dr. Ronnie del Mundo, accre­dited physician ng Dangerous  Drug Board, napatu­nayan umano na gumagamit siya ng droga  kaya ipina­gamot ito sa Silvercrest Rehabilitation Center ng kan­yang asawa.

Ilang araw nang gina­gamot si Carol sa rehabilitation center nang, noong Bi­yernes, sina­lakay ito ng mga arma­dong tauhan ng Department of Justice at National Bureau of Investigation.

Ayon kay Diane Crespo, may ari ng Silvercrest Rehabilitation Center, sasam­pa­han nila  ng mga kasong kidnapping, abduction, trespassing at contempt of court ang lahat ng sangkot sa na­ganap na pag­salakay sa kan­yang rehabilitation center at sa pagdukot sa kanyang tiyahin na si Carol.

Si Carol ay nasa pa­nga­ngalaga ngayon ng grupo ni Atty. Kapunan at hindi nila ito inilalantad sa publiko.

Show comments