CAMP Vicente Lim — Anim na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army ang nadakip ng pulisya sa Calatagan, Batangas kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Chief Inspector Romeo Baleros ng Calabarzon Police ang mga suspek na sina Gil Gomez, 26, Alberto Tolentino, 33, Juan Manalo, 34; at Mario Gomez na pawang residente ng Barangay Puting Kahoy, Calaca; at Roberto Perez at Marlon Rozena. Nabatid na nagkapalitan ng mga putok ang mga pulis at mga rebelde bago nadakip ang mga suspek. (Ed Amoroso)