SAN FERNANDO CITY — Sumabog ang katahimikan dito nang isang malakas na pagsabog ang yumanig sa Agoo, La Union kamakalawa ng madaling-araw.
Dahil dito, agad na inatasan kahapon ni Chief Superintendent Leopoldo Bataoil, Region 1 police director, ang kapulisan ng La Union na hulihin agad ang mga nasa likod ng pagpapasabog sa isang improvised explosion o mas kilala sa tawag na bombong sa harapan ng bahay ng isang negosyante sa Agoo noong madaling-araw ng Huwebes. (Myds Supnad)