‛Brigada Eskwela kicks off in Sogod

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Pormal na ki­nasu­han ng Criminal Inves­tigation and Detection Group (CIDG) ang walong tauhan ng  Philip­pine Na­tional Police na isina­sangkot sa pagsunog ng Pinag­ba­yanan Elementary School na ginawang polling pre­cinct sa bayan ng Taysan, Batangas noong Martes ng madaling-araw.

Ayon kay P/Senior Supt. Mark Edison Belarma, hepe ng CIDG-Region 4, sinam­pahan ng kasong Arson re­sulting to multiple homicide and multiple serious phy­sical injuries sina Police Inspector Roberto Marinda, SPO2  Relos at anim na iba pa sa opisina ni Provincial Prosecu­tor Benito Lat sa Batangas Hall of Justice.

Sina Marinda at SPO2 Relos ay miyembro ng Re­gional Special Operations Group (RSOG) ng Region 4-A sa ilalim ng pamumuno ni P/Supt. James Brillantes.

Iniuugnay sina Marinda at Relos sa panununog ng na­banggit na school  kung saan namatay sina Nellie Banaag, guro; poll watcher na si Leticia Ramos at Guillermo Malaluan.

Kasalukuyan pa ring nag­papagamot ang asawa ni Guillermo sa UST Hos­pital at walong iba pang su­gatan sa iba’t ibang ospital sa Ba­tangas. Arnell Ozaeta at Edwin Balasa

Show comments