EDITORYAL - Philippine election: Kaguluhan at kabagalan

CAMP CRAME – Kasa­lukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang  isang kan­didato na ipoproklama na sana ng Comelec bilang nanalo sa pagka-konsehal makaraang barilin ng malapitan ng di-nakikilalang suspek sa loob ng kanyang tindahan sa Tuason Subd. sa bayan ng Palomok, South Cotabato kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Robert Ki­nui­­sala, director ng South Co­tabato police, ang biktimang si Rogelio Limos Ramos, nasa ilalim ng Antonino Independent Movement at nanalong konsehal sa nasabing bayan. Nabatid na bumili pa ng soda ang suspect sa biktima bago ito binaril sa batok na lumbagos sa kaliwang kilay at nga­yon ay inoobserbahan sa intensive care unit ng Elizabeth Hospital sa General Santos City. Edwin Balasa

Show comments