Hepe ng Task Force Abra sinibak

BANGUED, Abra — Matapos ng ilang reklamo na hindi neutral, sinibak na sa posisyon bilang hepe ng Task Force Abra si Chief Superintendent Eugene Martin.

Ngunit, agad namang itinanggi ni Martin na nakikipagkaibigan siya sa ilang politiko at sinabing ginawa daw niya lahat ng kanyang magagawa upang mapanatili ang katahimikan sa Abra.

Inihayag kamakalawa ni Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos ang pagkakatanggal kay Martin nang bumisita ang una sa lalawigan kamakalawa. Ipinalit kay Martin si Senior Superintendent Villamor Bumanglag. (Myds Supnad)

Show comments