Anak ng kabesa nakipagbarilan sa pulis, dedo

LA TRINIDAD, Benguet — Isang anak ng barangay chairman na pinaniniwalaang naging "pasaway" ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa pangunguna ng hepe ng pulisya sa Barangay Bulbulala, La Paz, Abra noong Biyernes Santo.

Kinilala ang biktimang nasawi na si Felix Anical Apuado Jr., anak ni Brgy. Chairman Felix Apuado Sr. ng nasabing barangay.

Ang biktima na naisugod pa sa ospital, subalit namatay rin matapos na makipagba rilan sa mga rumespondeng pulis sa pangunguna ni P/Senior Inspector Marlo G. Evasco, hepe ng pulisya sa bayan ng La Paz.

Sa ulat ni P/Supt. Joseph Adnol, Cordillera police spokesman, nakatanggap ng text messages si Evasco mula sa negosyanteng si Jerry Adriatico na may armadong lalaki na nagwawala sa kanilang lugar.

Agad namang rumesponde ang apat na pulis kabilang na si Evasco, subalit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng baril ni Apuado Jr. bago tumakas. Hinabol naman ni Evasco ang biktima at nang makorner ay pinasusuko ito hanggang sa magkaputukan at bumulagta si Apuada Jr. (Artemio Dumalo)

Show comments