Ayon sa ama ni de Belen na si Mario, masayang naglalakad ang kanyang anak at ang nobya nito na itinago ang pangalan sa likod ng St. Joseph Church nang magtangkang lapitan sila ng apat na di-kilalang lalaki.
Dahil sa takot, tumakbo palayo ang magkasintahan hanggang sa maabutan sila ng mga suspek sa isang madilim na lugar. Isa sa mga salarin ang bumunot ng patalim at inundayan ng saksak si de Belen hanggang sa duguang humandusay ito sa lupa.
Namatay ang binatilyo dahil sa sugat na tinamo sa mukha. Walang ibang saksi sa krimen maliban sa nobya ni de Belen na tulala pa rin sa pangyayari habang isinusulat ito. (Ed Amoroso)