"Sa ngayon, ang mga Koreano na may 26 kompanya ay ikaapat sa pinakamalaking komunidad sa Subic Bay Freeport, habang nangunguna pa rin ang Taiwanese na may 46 kompanya, sumunod ang USA at Japanese, na may 30 at 34 kompanya, ayon sa pagkakasunod," pahayag ni Salonga.
Pangunahing produkto ng Wooju Inc. ay mga electrical equipment kabilang ang circuit breaker, control panel, switch gear at iba pang produktong gamit sa kuryente, instilasyon , konstruksyon ng electrical, technical systems at gusali. Ayon naman kay SBMA Administrator Armand C. Arreza, ang pagdami ng mga interesadong Koreano sa Subic Freeport ay bunsod ng pagtatalaga ng Hanjin Heavy Industries Corporation Ltd., isa sa pinakamalaking shipyard sa mundo sa halagang $1bilyon.