Kinilala ang biktima ng napatay na si Siche Gandinao, 56, lider ng Misamis Oriental Farmers Association at hipag ng isa pang pinaslang na lider ng nasabing asosasyon na si Dalmacio Gandinao.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pauwi na si Gandiano nang harangin at isagawa ang pamamaslang ng nag-iisang lalaki na sakay ng motorsiklo may ilang metro lamang ang layo sa 9th Infantry Brigade ng Phil. Army sa Brgy. Guinlaban sa bayang nabaÿÿÿnggit.
Samantala, ayon kay Carl Ala, tagapagsalita ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa ilalim ng grupong Bayan Muna, may ilang residente sa nabanggit na barangay na namataan ang motorsiklong ginamit sa krimen na nakÿaparada sa loob ng nasabing detachment ng Phil. Army.
Nabatid na ang biktima ay hipag ng lider ng Kilusang magbubukid ng Pilipinas, Misamis Oriental chapter na pinaslang noong Pebrero 8 sa nasabing bayan.
Kasunod nito, inirekomenda ni Task Force USIG commander P/Chief Supt. Geary Barias, ang agarang pagsibak sa puwesto bilang hepe ng pulisya sa Salay City na si P/Insp. Joserico Dayo kaugnay ng pagkakapaslang ng isa na namang Militante.
Ayon kay Barias, ang rekomendasyon ay bunsod na rin ng kawalan ng aksyon ng opisyal sa magkasunod na insidente ng pagpaslang sa mga militante. (Edwin Balasa)