‘Reyna ng shabu’ nasakote

BULACAN Kalaboso na naman ang binagsakan ng isang 41-anyos na babae na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng droga at tinaguriang "Reyna ng shabu"matapos na masakote ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Marilou Lee y Atienza ng Block 2-B, Lot 53, Friendship Village, Barangay FVR, Norzagaray, Bulacan. Ang suspek ay dinakma nina PO3 Merwin Espayos, PO3 Roel Chan, PO1 Rufino Victoria, PO1 Danilo De Guzman, at PO3 Allain Lapena matapos na makumpiskahan ng tatlong plastic sachets ng shabu.(Dino Balabo at Boy Cruz)
2 patay sa road mishap
CAMARINES NORTEDalawang sibilyan ang iniulat na nasawi habang anim naman ang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang namatay na sina Jose Revoltar, 33, ng Urban Poor, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte at Mario Napoles, 42, ng Purok 2 Brgy Cobangbang, Daet. Sugatan naman sina Francis Norman ng Barangay Borabod; Silvestre Abejero ng Barangay Alawihao; Amalia Napoles, 33; Fernando Ojas, 40; Ernie Toledo, 24; at si Jherwin Padua. Ayon sa pulisya, si Napoles na sakay ng motorsiklo ay sumemplang at nabagok ang ulo sa kalye habang si Revoltar naman na sakay rin ng motorsiklo ay sumalpok sa kasalubong na traysikel.(Francis Elevado)

Show comments