Sa pahayag ni Brig. Gen. Reynaldo Mapagu, hepe ng First Scout Ranger Regiment (FSSR), naitala ang sagupaan dakong alas-12 ng tanghali hanggang alas-9 ng hatinggabi sa magubat na sakop ng Barangay Buan, Indanan.
Napag-alamang kumanlong ang mga bandidong Abu Sayyaf sa teritoryo ng MNLF sa nasabing lugar kung saan tumulong ang nasabing rebel faction ni dating ARMM Governor Nur Misuari sa grupo ng mga bandido.
Base sa report ni Lt. Col. Ramon Yogyog, kabilang sa mga nasawi ay ang limang bandidong Abu Sayyaf.
Sa text message naman ni Brig. Gen. Ruperto Pabustan, chief ng Joint Special Operations Task Force, anim ang kabuuang nasawi sa panig ng mga kalaban base na rin sa ulat ng mga intelligence asset.
Samantala, itinatanggi naman ng MNLF na may ugna yan sila ng Abu Sayyaf Group na kilalang kaalyansa ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist.
Noong unang linggo ng Pebrero ay pinigil ng grupo ni MNLF Commander Ustadz Habier Malik, ang peace team ng pamahalaan na pinamumunuan ni Marine Brig. Gen. Ben Dolorfino sa Camp Bitanag, Panamao, Sulu.
Magugunita na ang MNLF ay lumagda sa peace agreement ng gobyerno noong 1996 sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Fidel Ramos, subalit matapos ang ilang taon ay bumaligtad ang lider nitong si Misuari sa pagsasabing hindi naiimplementa ng maayos ang kasunduan. (Joy Cantos)