Sa 2-pahinang kautusan ng CA 2nd Division, sa panulat ni Associate Justice Lucenito Tagle, inisyu nito ang temporary restraining order (TRO) tatagal ng 30-araw upang hindi ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kautusang inilabas ng Office of the Ombudsman laban kay Esquivel.
Nilinaw ng Appellate Court na ang pagkakaloob ng TRO ay base na rin sa kahilingan ni Esquivel upang maiwasan ang pinsalang maaring idulot ng pagkakasuspendi ng alkalde sa political career nito.
Kasabay nito, inatasan din ng DILG, Ombudsman at iba pang respondent na magsumite ng paliwanag kaugnay sa nasabing kautusan at kung bakit hindi dapat magpalabas ng preliminary injunction sa kaso.
Una nang kinuwestiyon ng nasabing alkalde sa CA ang kautusan ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na suspendihin siya sa puwesto dahil sa paglabag sa rules and regulations ng Civil Service Commission.
Nabatid na dinismis ni Esquivel sina Moises Eduardo, Soledad Galang at Bonifacio De Belen, pawang mga Civil Service eligible na miyembro ng local water district sa nasabing lalawigan. (Ludy Bermudo)