Kinumpirma ni Dr. Alfonso Manosca, doktor sa San Pedro Municipal Health Center sa isang telephone interview ang bilang ng namamatay sa Camella Woodhills Subdivision pero hindi pa nito maibigay ang mga pangalan ng biktima.
Ang Camella Woodhills Subdivison ay pag-aaring lupa at pina-develop ni Senate President Manny Villar na matatagpuan sa Barangay San Antonio sa bayang ito.
Sa panayam din ng PSN kay San Pedro mayor Fely Vierneza inamin din nito na tutuo nga ang napabalitang dengue outbreak subalit hindi pa umano ito makapagbibigay ng detalye sa nasabing usapin.
Ayon naman kay Dr. Alsaneo Lagos, Provincial Health Officer ng Laguna, karamihan ng biktima ay itinakbo para lapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa matapos na dapuan ng nasabing sakit na karaniwang nakukuha sa kagat ng lamok.
Nakontrol na umano nila ang pagkalat ng dengue sa pamamagitan ng fogging at paglalagay ng larvaecide sa mga kanal at imbakan ng tubig. (Arnell Ozaeta)