Kinilala ang mga napaslang na sina Felix Valencia, 22; Delfin Robeniol, 38 at Remegio Valencia Jr., 13; pawang residente ng nasabing lugar.
Patuloy namang isinasalba sa Metro Vigan Cooperative Hospital sina Chriswel Renon, 28 at isa pang di natukoy ang pangalan.
Sa report ni Sr. Inspector Venancio Tabula, hepe ng Sto. Domingo Municipal Police Station (MPS), dakong alas-7:20 ng gabi habang masayang nag-iinuman ang mga biktima sa tahanan ni Renon sa Brgy. Calautit nang puwersahang pumasok ang mga suspek na pawang armado ng caliber .30 carbine rifle.
Matapos ratratin ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 30 carbine rifle.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.
Iniutos na rin ni Police Regional Office 1 Director Chief Supt. Leopoldo Bataoil sa provincial director sa lalawigan na tugisin ang mga suspek kasabay ng pag-alam sa kanilang pagkakakilanlan. (Joy Cantos)