Sulyap Balita

Stude nanulot ng syota, sinaksak ng kaibigan
CAVITE – Kritikal sa pagamutan ang isang 17-anyos na estudyante matapos na pagsasaksakin ng kanyang kaibigan habang nasa labas ng kanilang bahay at nagpapahangin sa Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay si Michael Amolato, 17, binata at residente ng P-2 Pabahay. Brgy. Bagtas. Naaresto naman matapos ang ilang oras na habulan ang mga suspek na sina Romulo Mendoza, 20, helper, may-asawa at mga kasamahan nito na sina Mark Luster Montejo, 16 at Ralph Alvarez, binata, kapwa jobless at nakatira sa nasabing lugar. Dakong alas-11:30 ng gabi habang nagpapahangin ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang lapitan ni Mendoza kasama ang ibang kaibigan. Dumating ang mga suspek sa bahay ng biktima at nakipagkuwentuhan pa ang mga ito subalit nang magkapikunan ay agad na sinaksak ni Mendoza ang suspek saka tumakbo subalit naaresto ng mga nagrespondeng pulis. (Cristina Go Timbang)
Bunso inutas ni kuya
CAMP SIMEON OLA, Legaspi City – Isang mister ang nasawi matapos na pagbabarilin ng kanyang nakatatandang kapatid habang ito ay natutulog sa loob ng kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Sitio Talidong, Naggugon, Brgy. Impig, Sipocot, Camarines Sur. Ang biktima ay si Alex Antonio, 33, may-asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar. Agad namang sumuko ang kapatid nitong si Sonny, 35, binata matapos ang pamamaslang. Dakong alas-2 ng madaling-araw habang natutulog ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto nang pumasok ang kapatid nito na armado ng shotgun at saka siya pinagbabaril. Nauna rito, nagpakalasing muna ang suspek bago nito binaril ang biktima na hinihinalang alitan ang naging motibo sa krimen. (Ed Casulla)

Show comments