Ito ang tahasang pahayag kahapon ni Councilor Atienza matapos na matanggap kahapon ang desisyon ng Malacañang na 6-buwan suspensyon na nilagdaan ni Executive Secretary Eduardo Ermita na unang inirekomenda ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Base sa imbestigasyon ng DILG na reklamo ng isang kawani noong Nobyembre 11, 2004, lumabag si Atienza sa Section 4 ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) kaya nagpalabas ng suspension order na may Petsang Enero 8, 2007 ang Malacañang.
Naunang pinabulaanan ni Atienza, na ang akusasyon laban sa kanya ay para siraan ang integridad at kredibilidad nito at ginamit lamang anya ang nag-aakusa sa kanya ng mga kilalang kaaway sa pulitika.
"Alam kong ginamit lang siya ng mga kalaban ko sa pulitika dahil alam nilang kritikal ako sa kanila, ginagawa na nila ang lahat para siraan ako lalo nat nalalapit na ang halalan, its a mere political harassment," dagdag pa ni Atienza. (Jeff Tombado)