Rebel returnee nilikida

CAMP CRAME – Sinintensyahan ng kamatayan ang isang 48-anyos na rebel returnee ng mga dati nitong kasamahan rebeldeng New People’s Army sa naganap na namang karahasan sa Barangay Hibubullao, Catubig, Northern Samar, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, kinilala ang biktima na si Francisco Cabe. Si Cabe ay dating miyembro ng NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan kamakailan matapos tuluyang talikdan ang kilusang komunista na aktibong nasasangkot sa paghahasik ng karahasan sa lalawigan.

Ayon kay Army Spokesman Major Ernesto Torres Jr., bandang alas-6 ng gabi nang pasukin at paslangin ng mga armadong lalaki ang biktimang  nagpapahinga sa sariling tahanan. (Joy Cantos)

Show comments