Rumatrat sa konsehal, tukoy na

GAPAN CITY, Nueva Ecija — Nakilala ng isa sa mga kasama ng Municipal Councilor Elpidio Rueda, ang isa sa apat na armadong kalalakihan na sangkot sa pananambang sa kanila noong Miyerkules ng umaga sa harapan ng paaralan ng Barangay Mangino sa Gapan City, Nueva Ecija. Ayon kay Supt. Ruel Obusan, tinambangan ng apat na suspek sina Rueda, PO1 Baltazar dela Cruz ng 308th Provincial Mobile Group; PO2 Alejandro Domingo ng City Police Force, samantala nasawi naman si Henry Manangguit ng Barangay Sto Cristo. Nasa kritikal na kalagayan si delos Santos, samantalang si Rueda at ang dalawang alalay na pulis ay sugatan. Sakay ng Delica van (RCA-174) ang mga biktima mula sa palengke at pauwi na sa Barangay Sta Cruz, nang tambangan ng mga armadong kalalakihan. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments