May-ari ng videoke bar dinedo

QUEZONBinaril at napatay ang isang 36-anyos na may-ari ng videoke bar ng isa sa tatlong lalaki na tumangging magbayad kamakalawa ng gabi sa Barangay Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang pinaslang na si Gerry Pasamba y de Villa, samantalang tugis ng pulisya ang suspek na nakilalang si Romeo Fuentes.

Sa imbestigasyon ni PO3 Florante Hinanay, magkakasamang nag-iinuman ng alak ang suspek at dalawang kaibigan sa videoke bar na pag-aari ng biktima.

Ayon sa pulisya, hindi nakabayad ang suspek kaya kinompronta ng biktima hanggang sa maganap ang pamamaslang. (Tony Sandoval)

Show comments