Labinlimang sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na dulot ng matalim na itak kaya nakikipaglaban kay kamatayan ang biktimang si Sophia Corsado na pinaniniwalaang may ibang karelasyong lalaki bukod sa suspek na si Jose Carino, 56, na sumuko naman sa opisyal ng PNP Regional Mobile Group ilang minuto matapos ang krimen. Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang biktima sa loob ng kanilang tahanan sa nabanggit na barangay at ngayon ay inoobserbahan sa General Santos City District Hospital.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagselos ang suspek sa biktima dahil sa awiting "Ang tigulan (The old man)," popular na awiting Visaya na may kaugnayan sa sexual incapacity ng isang matandang lalaki.
Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon ng pulisya, nagsabing naaktuhan niya ang biktima sa ilalim ng kanilang bahay na nakikipaghalikan sa kaibigang si Dodong.
Dahil sa nakitang kataksilan ng biktima ay mabilis na tinungo ng suspek ang kusina ng kanilang bahay bago kinuha ang matalim na itak at isinagawa ang krimen.
Hindi naman pinagsisihan ng suspek ang nagawang krimen laban sa kanyang live-in partner at ginusto pang makulong kaysa makita ang kataksilan ng biktima. (Ramil Bajo)