Mag-ina nasawi sa ‘ospital’

BATAAN – Magkasunod na kinarit ni kamatayan ang sanggol at ina na pinaniniwalaang napabayaang asikasuhin sa Bataan General Hospital sa Balanga City, noong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Donna Marquez, bandang alas-3:30 ng hapon nang ideklara ng kumadrona na patay na ang sanggol sa sinapupunan ni Rosalyn Marquez, kaya isinugod sa nabanggit na ospital para mailabas ang patay na bata.

Napag-alamang tumagal pa ng dalawang oras bago pa maasikaso ang pasyente kaya natuluyan din ang biktimang si Rosalyn dahil sa pagkaubos ng dugo. Sinisisi ng mga kaanak ng biktima ang doctor at nurse sa pagkamatay ni Rosalyn, subalit sa mga oras na ‘yon ay nag-iisa lamang ang doctor at nurse na nagkataon naman may pasyenteng inooperahan kaya hindi nabigyan ng kaukulang atensyon ang nasawing biktima. (Jonie Capalaran)

Show comments