Sa pagsisiyasat ni PO3 Joel Malinao, nagdeklara ng holdap ang mga suspek, subalit nabigong limasin ang mga gamit at pera ng mga pasahero dahil nagkagulo sa loob ng bus. Mabilis na lumundag ang dalawang holdaper bago pinaputukan ang bus hanggang sa tamaan ng bala ng baril ang biktima. Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote si Yap na nahulog sa sinasakyang motorsiklo (DT-5562) dahil tinamaan ng bala ng baril sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad habang nakatakas naman ang kanyang kasama. (Cristina Timbang)
Holdap: Pasahero natodas sa bus
CAVITE Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 52-anyos na babae makaraang holdapin ng dalawang kalalakihan ang sinasakyang pampasaherong minibus ng biktima sa kahabaan ng Tirona Highway sa Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Nasapol ng bala ng baril sa dibdib at kanang tuhod ang biktimang si Marianita Macatingrao ng Barangay Ligtong 1, Rosario, Cavite. Sugatan naman ang konduktor ng bus na si Rodolfo Angeles ng Cavite City. Gayon pa man, nadakip ang isa sa dalawang holdaper na si Alvin Yap na nasa talaan ng pulisya na wanted sa kasong robbery hold-up.