1950s nang paghati-hatiin ng magkakapatid na Taciano, Jacinto at Emelia ang lupaing naiwan ng kanilang magulang. Si Taciano ay pinagyaman ang lupaing minana sa pagtatanim ng palay at puno ng niyog; si Emelia naman na nag-iisang babae ay nagtanim ng mga rubber tree sa minanang lupa; samantalang ang bunsong si Jacinto ay ibinenta ang minanang lupa at winaldas ang salapi sa mga bisyo hanggang sa maluklok sa kahirapan.
1960s nang magkaroon ng pamilya si Jacinto at bagamat walang permanenteng trabaho ay mahilig magsabong at pambababae. Unti-unting nalulong sa bisyo at halos mapabayaan na ang kanyang pamilya hanggang sa matutong magnakaw. Sa una, ay pinagpapasensiyahan lamang si Jacinto ng mga kapatid sa tuwing maaktuhang inaani ang mga tanim na pag-aari ng dalawang utol. Binibigyan nila ito ng kaparte sa tuwing may ani at pinaaalalahanan na hintuan na ang mga bisyo, subalit hindi iyon alintana ng bunsong si Jacinto.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang nakakapangilabot na pag-aaway nina Jacinto at Taciano dahil nalaman na ipinaputol ang ilan sa mga puno ng niyog na pag-aari ni Taciano, ginawang troso at ibinenta. Halos mapatay sa taga ang bunsong kapatid sa tindi ng galit.
"Iguin susumpa ko ha ngaran hiton aton nawara na mga kag-anak, kabalyu han pito na mga puno nga imo gintamastamsan, pito kalitok hiton imo pamilya mawawad-an hin maupay na panhuna-huna."
(Isinusumpa ko sa pangalan ng nasira nating mga magulang, kapalit ng 7 puno ng niyog na iyong winasak, pitong henerasyon sa iyong pamilya ay mababaliw).
(Itutuloy)