Dyip na may Sanib

(Part 2)

Disyembre 1999 nang bilhin ni Edward ang dyip kay Ciriaco sa halagang P86,000 at bagamat second-hand na ay hindi maikakaila ang pagiging kondisyon pa rin ng sasakyan. Dinala ni Edward ang dyip sa bayan ng Basey, Samar at ginamit sa negosyong banig. Aabot sa dalawang taong ginamit ni Edward ang dyip nang naganap ang isang insidente na pinagsisihan niya.

Bandang alas-11 ng gabi habang lulan ng dyip si Edward, kasama ang kanyang pinsang si Roland at ang 14-anyos na anak nito nang magloko ang dyip. Bumaba si Roland upang usisain ang back tire nito, subalit pagbalik niya ay makitang pilit na hinahalikan ni Edward ang kanyang anak. Dali-dali niya itong sinaksak sa kaliwang braso upang saklolohan ang nahintakutan na anak. Kinabukasan, ibinenta ni Edward ang kanyang sasakyan upang gamitin sa pagkuha ng abogado na magtatanggol sa kasong sexual harrasment na isinampa laban sa kanya ng pinsang si Ronald.

June 2001 nang mapasakamay ng isang pulis-Tacloban na si Ruben, ang dyip. Isang mabait na ama si Ruben. Simula nang pumanaw ang kanyang misis ay mag-isa na niyang itinaguyod ang tatlong anak na sina Lynlyn,16; Ivy, 19; at Jun, 27. Hindi niya sinasadya ang pagkabili sa dyip. Ibinenta lamang ito sa kanya ng kumpareng Tanyo na kaibigan ni Edward. Ito ang nagsilbing service car ng mga anak niya. Apat na taon ang nakalipas nang mangyari ang kagila-gilalas na pangyayari sa loob ng dyip.

(Itutuloy)

Show comments