Dahil dito, inatasan nina AFP-Southern Luzon Command Major Gen. Alexander Yano at Armys 9th Infantry Chief Brig. Gen. Napoleon Malana, ang lahat ng yunit ng Army na nakatalaga sa buong lalawigan na agarang paghahanda sa mga Disaster Relief and Rescue Units.
Inatasan din ang mga kinauukulan na patuloy na makipag-ugnayan sa Phil. Institute of Volcanology and Seismology, gayundin sa Provincial Disaster Coordinating Council sa Sorsogon.
Base sa pagmomonitor ng Philvocs, nagpapakita ng abnormalidad ang Mt. Bulusan na nagbabadya ng mas malakas pang pagsabog matapos na sumabog noong Martes, Oktubre 10.
Nakahanda na ang Task Force Bulusan sakaling maganap ang mas malawakang pagsabog na mangangailangan ng agarang paglilikas ng mga residente sa ilang barangay.
Samantala, umulan din ng abo sa mga lugar na nasasaklaw ng 4-kilometer permanent danger zone na kinabibilangan ng mga Barangay Monbon, Patag at Tabontabon sa bayan ng Irosin, maging sa mga Barangay Mapaso at San Roque sa bayan naman ng Bulusan. (Joy Cantos at Ed Casulla)