7 Salisi Gang huli sa aktong pagnanakaw

CALACA, Batangas – Arestado ang pitong miyembro ng Salisi Gang matapos mahuli sa akto na nagnanakaw sa isang tindahan sa New Public Market, Bgy 4, bayang ito kamakalawa ng umaga. Ang mga suspek ay sina Jon Jon Santos, 35; Ma. Lourdes Cifra, 30; Melanie Sabastian, 35; Patricio Sta. Maria, 56; Aracelie Villafuerte, 50; Reynaldo Pabacan, 54 at isang 13-anyos na itinago sa pangalang "Kevin". Bandang alas-10:20 ng umaga sinalakay ng mga suspek ang tindahan ni Fernan Bathan, 33, ng Sitio Kawong, Bgy. Pantay nang naturang bayan.

Unang pumasok si Kevin at nagsilbing look-out ang 6 nitong kasamahan at tinangay ang bag na may lamang P65,000. Agad na humingi ng tulong si Bathan sa awtoridad sanhi pagkakadakip ni Kevin sa isang check point ng pulisya ay natimbog naman ang mga kasamahan nito. Kasamang narekober ang nasabing halaga, cellphone at mga lisensya na pagmamay-ari ng biktima. (Arnell Ozaeta)

Show comments