Pulis pinatay ng 2 holdaper

CAVITE – Kalawit ni kamatayan ang sumalubong sa isang 35-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang holdaper na sakay ng motorsiklo sa bayan ng Kawit, Cavite kahapon ang umaga. Kinilala ang biktima na si PO2 Joselito del Mundo ng Kawit PNP at residente ng Barangay Aplaya ng nabanggit na bayan. Ayon kay SPO4 Ramon Legaspi, sinita ng biktima ang dalawang naka-motorsiklo dahil sa duguan ang damit ng isa, subalit hindi akalaing mga holdaper kaya naganap ang krimen. Nakuha naman ang numero ng plaka ng motorsiklo (NA-3418) ng mga holdaper at ngayon ay tinutugis ng pulisya. (Cristina Timbang)

Show comments