Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na masusi nang bineberipika ang medical records ng biktima na si Alejandro de Castillo Jr. noong Agosto 28.
Sa unang ulat ng DOH-Region 6, nasawi ang bata dahil sa matinding atake sa hika (asthma na dulot umano ng "killer fume" na sumingaw sa nakatambak na oil debris ng halos isang buwan na sa gilid ng kanilang bahay sa Naoway Island, isa sa pinakamalubhang tinamaan ng tagas ng langis ng MV Solar 1.
Una ring kinumpirma ni Region 6 Health Dir. Lydia Depra-Ramos ang pagkamatay ni de Castillo na dulot ng singaw ng oil spill base sa record ng Guimaras Provincial Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival ang bata. (Danilo Garcia)