Ang biktimang nasawi na drayber at security staff ng Batangas police provincial director na si P/Senior Supt. Edmund Zaide ay nakilalang si SPO2 Numeriano Borbon na vice president ng Camp Malvar Homeowners Association.
Tugis naman ng pulisya ang suspek na si SPO3 Nicolas Closa, 43, nakatalaga sa Logistic Branch ng nabanggit na kampo at presidente ang naturang asosasyon.
Ayon kay P/Senior Supt. Nilo Anzo, bandang alas-9:45 ng gabi nang mag-inuman ng alak sina Borbon at Closa, kasama ang tatlo pang pulis sa loob mismo ng kampo.
Napag-alamang nag-ugat ang pamamaril matapos magtalo ang dalawa tungkol sa laganap na nakawan sa loob ng Camp Malvar.
Samantalang hindi nagawang makaganti ng biktima dahil walang baril at maging ang tatlo nitong kasamang pulis, kaya hindi napigilang makatakas ang suspek. (Arnell Ozaeta)