Kinumpirma ni P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, provincial director, ang nadakip na sina Aprilyn Peredo y Tabadero, alyas "Ka Lyn", 26, ng Barangay Cambitala, Pantabangan, Nueva Ecija; at Eloisa Tocay y Bustamante, alyas "Ka Lara"/ "Tea", 23, ng Barangay Bari, Mangaldan, Pangasinan.
Ang dalawa ay kapwa finance officers ng Komiteng Larangang gerilya / Front 2, na may code name na "Ford Expedition."
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay nadakma ng pinagsanib na puwersa ng 307th Provincial Mobile Group (307 PMG) at Provincial Intelligence and Investigation Branch (PIIB) at nakumpiskahan ng sketch map ng NEPPO Headquarters, 2 baril, 2 celfone; 17 sim cards at mga resibo ng revolutionary tax.
"Delikado, pinag-aaralan kami ng NPAs at palagay namin binabalak ng mga rebelde na salakayin ang (Nueva Ecija) PHQ, anumang oras," pahayag ng opisyal.
Inamin din ng dalawang nadakip, na kasama sila sa sumalakay sa himpilan ng pulisya sa Carrangalan noong Disyembre 15, 2004.
Samantala, nauna nang iniulat na mga miyembro ng militanteng Anakbayan ang dalawang dinakip ng pulisya at kapwa youth organizers ng nasabing militant group. (Christian Ryan Sta. Ana)