Animoy kinarneng baboy ang naging katawan ng biktimang si Gregoria Crizaldo ng #118-Irving Street ng nabanggit na barangay, samantalang naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Mariel Cacho,19, tubong Barangay Kabayabasan, Alacapan, Cagayan.
Ang suspek na bitbit pa ang sanggol na alaga ay nasakote ng pulisya sa terminal ng bus sa bayan ng Bacolor, Pampanga.
Lumalabas sa ulat ni P/Insp. Lolito "Teejay" Tejada kay P/Senior Supt. Angelito Pacia, nagalit ang biktima sa ginawang pagmumura ng suspek sa sanggol na apo ng una.
Napag-alamang hindi nagustuhan ng biktima ang ginawa sa kanyang apo kung kayat nilapitan nito ang suspek hawak ang kutsilyo na gamit sa paghihiwa ng prutas.
Sa pag-aakala ng suspek na uundayan siya ng saksak ay mabilis na inagaw nito ang kutsilyo sa biktima hanggang sa magpambuno ang dalawa hanggang sa maganap ang krimen.
Napag-alamang tinangay ng suspek ang sanggol na kanyang inaalagaan bago siya madakip sa nabanngit na terminal.