"Dadad-on mo kutob hit imo kamatayon an mga gamut han pagbulos hit imo paglingo ha akon." (Dadalhin mo hanggang kamatayan ang mga ugat ng paghihiganti sa ginawa mong pagtataksil sa akin). Ito ang mga katagang binitawan ni Mang Olympio na kaylanman ay hindi makalimutan ni Nanay Lucing.
Sa isinagawang panayam sa matanda, napag-alamang maliliit pa lang sina Nanay Lucing at Mang Olympio ay ipinagkasundo na ng kani-kanilang mga magulang na magkatuluyan na kung tawagin sa waray ay balata.
Napagkasunduan ng kanilang pamilya na idaos ang kasalan, dalawang buwan matapos ang ika-25 kaarawan ni Nanay Lucing. Dalawang buwan na lang at idaraos na ang pinakahihintay na pag-iisang dibdib nang makilala ni Nanay Lucing si Tata Molo.
Hindi inaasahang malipat ang pagmamahal ni Nanay Lucing kay Tata Molo hanggang sa silay magpasyang magtanan at maiwang luhaan si Mang Olympio. Nabatid na gabi-gabi raw itong namamataan sa pintuan ng simbahan kung saan doon sana idaraos ang naudlot na kasal.
Ayon pa kay Nanay Lucing, aabot sa anim-na-taon silang nagpatagu-tago para lamang takasan ang kahihiyan na idinulot nila sa pamilya ni Nanay Lucing at kay Mang Olympio, subalit may kung anung kapangyarihan ang humihila sa kanya para bumalik sa kanilang nayon. (itutuloy)