Meat vendor tinodas ng pulis

CAMP CRAME — Pinaniniwalaang minasama ng isang bagitong pulis ang pagkakatingin sa kaniyang misis ng isang meat vendor kaya nito binaril at napatay ang biktima sa Toril District, Davao City kamakalawa ng madaling-araw. Napuruhan ng bala ng baril sa kanang mata na naglagos sa ulo ng biktimang si Brian Orben, 24, ng Crossing Bayabas sa Toril District ng nasabing lungsod. Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si PO1 Erwin Loma, nakatalaga sa Police Mobile Patrol Group ng Davao City. Sa ulat, naganap ang insidente sa ikalawang palapag ng Haide’s Restaurant kung saan nag-iinuman ang biktima at mga kaibigan nito habang ang suspek ay nasa kabilang lamesa kasama ang kanyang asawa at ilan pang kaanak. Ang pamamaril ay naganap sa comfort room ng nabanggit na lugar. (Joy Cantos)

Show comments