Sa ulat ni Dr. Antonio Yasana, Sarangani provincial health officer, ang mga biktima na katutubong Blaa ay mula sa Sitio Kibu, Barangay Tuyan ng nabanggit na bayan.
Napag-alamang dumalo ang mga biktima sa purok fiesta sa Sitio Abnutan sa Barangay Lun Masla saka kumain ng pansit bihon na pinaniniwalaang panis.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan pagkahilo at pagsusuka ang mga biktima kaya mabilis na isinugod sa General Santos City District Hospital.
Tatlo sa mga biktima ay hindi nagpadala sa ospital sa hindi binanggit na dahilan.
Ayon sa ulat, dalawa sa 23 biktima ay pinauwi na, habang ang nalalabi ay inoobserbahan pa. (Ramil Bago)