Ang mga biktima ay nagkaka-edad mula isa hanggang 68-anyos na pawang nilalapatan na ng lunas sa Antipolo District Hospital matapos na makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka sa nasabing mga pagkain.
Sinabi ni Elmer Quintos, hepe ng Antipolo City Police rescue team, dakong alas- 11 ng umaga ng makatanggap sila ng tawag mula sa pamunuan ng Brgy. San Jose dahil sa biglaang pananakit ng tiyan at pagsusuka ng mga biktimang dumalo sa isinagawang inagurasyon ng bagong Barangay Hall sa naturang lugar.
Kaagad namang rumesponde ang rescue team at dinala ang mga biktima sa nasabing pagamutan kung saan ay agad na binigyan ang mga ito ng pangunang lunas.
Sa pahayag ng mga biktima ilang oras matapos silang mag-ulam ng menudo at dinuguan bigla na lamang umano silang nakaramdam ng pananakit ng tiyan, ulo, pagkahilo at kasunod nito ay nagsuka ang mga ito bunsod upang isugod sila sa pagamutan.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Antipolo City Administrator Atty. Gilbert Lauengco na magbibigay ang pamunuang lungsod ng tulong pinansyal at mga gamot sa mga naging biktima ng food poisoning.