Kristo sa sabungan itinumba

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Kalawit ni kamatayan angú sumalubong sa isang 42-anyos na lalaking tumatayong kristo sa sabungan makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang maskaradong lalaki habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ang biktima sa Barangay 3, Sariaya, Quezon, kamakalawa.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Wilfredo Daelo ng Barangay Balubal ng nabanggit na bayan.

Sa ulat kay P/ Chief Superintendent Prospero Noble Jr., provincial director, nakikipag-iinuman ang biktima sa mga kaibigang sina Rolando Mendoza at Rodencio Celera sa tindahan ni Roman Villanueva nang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at isinagawa ang pamamaslang. (Arnell Ozaeta)

Show comments