Pulis pa pinabulagta

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tinambangan at napatay ang isang kagawad ng pulisya ng mga rebeldeng New People’s Army sa patuloy na paghahasik ng karahasan ng maka-Kaliwang Kilusan sa bayan ng Pio V. Corpuz, Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Wenefredo Nallos na ninakawan pa ng iba’t ibang personal na gamit kabilang na ang service firearm nito.

Base sa ulat, nakasakay ng motorsiklo ang biktima mula sa paghahatid ng anak sa eskuwelahan nang pagbabarilin ng mga rebelde habang binabagtas ang Sitio Gaway-Gaway sa Barangay Calong-Ong.

Napag-alaman na ang biktima ay nakagawiang ihatid ang kanyang anak bago pumasok sa trabaho. (Ed Casulla)

Show comments