Arsonist nadakma sa ospital

DARAGA, Albay – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang itinuturing na sangkot sa sunud-sunod na panununog ng mga paaralan, ospital at simbahan makaraang maaktuhang nanununog ng kama sa loob ng stock room ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa bayang ng Daraga, Albay kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon ang suspek na si Gener Pamplona, 30, ng Barangay Travesia, Guinobatan, Albay.

Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Supt. Jose Capinpin nagawang makapasok ng suspek sa loob ng nabanggit na ospital bago sinunog ang isang kama sa stock room.

Napag-alamang namataan ng ilang sikyu na may lumalabas na usok sa nasabing kuwarto kaya agad na tinungo hanggang sa makasalubong ang suspek. (Ed Casulla)

Show comments