Ito ay matapos na atasan ni Court of Appeals (CA) 12th Division Association Justice Jose Mendoza sina Major General Romeo Tolentino, Gen. Jovito Palparan, Lt. Col. Rogelio Boac, Arnel Enriquez at Lt. Samson ng Philippine Army na ilitaw ang mga biktimang sina Sherlyn Cadapan, Karen Empeño at ang lider ng magsasakang si Manuel Merino.
Batay sa nabanggit na resolution, kinakailangan na ilantad ng mga nasabing PA officials ngayong araw (Agosto 1) ganap na alas-10 ng umaga sa Centennial Hearing Room, 2nd floor, ng Centennial Building, sa Ma. Orosa St., Ermita, Manila ang tatlong nabanggit na biktima.
Ang kautusan ng CA ay bunsod na rin sa inihaing petition for habeas corpus ng mga magulang ng dalawang nawawalang estudyante na Sapilitan tinangay ng mga sundalo ang tatlong biktima at dinala sa 56th Infantry Battalion na nakabase sa Bulacan.
Sinabi ng mga magulang na hindi maaaring itanggi ng mga kawal ng Philippine Army ang ginawang pagdukot sa tatlong biktima batay sa mga testimonya ng mga nakasaksi habang humihingi ng saklolo ang dalawang estudyante.
Base sa petition for habeas corpus na isinampa ng mga magulang nina Cadapan at Empeño, ang Mataas na Hukuman na ang huli nilang pag-asa para mailutang ang kanilang mga anak na sa kanilang paniniwala ay dinukot ng militar.
Nais ng mga magulang na mailantad sa Korte ang dalawa na ayon sa kanila ay posibleng nasa kampo ng 56th Infantry Battalion ng Task Force Bulacan. (Grace Amargo Dela Cruz)