Ayon kay Engr. Santiago Baconguis, chief science research specialist ng DENR, sa bawat toneladang charcoal briquette, 88 puno ang maililigtas, 60 porsyento rin ng mga itinatapong basura ang maaaring mapakinabangan at gawing gatong sa pagluluto sa pamamagitan ng teknolohiyang ito.
Sa kasalukuyan ay may 50 production area na sa Pilipinas ang nagsagawa nito. Ang charcoal briquette ay hindi katulad ng mga ordinaryong uling dahil ito ay " environment friendly", hindi ito mausok, makakatulong na mabawasan ang carbon sa ozone layer at hindi mahal ang presyo kung bibilhin.
Sinabi naman ni Engr. Delfin Ilao, hepe ng Task Force 9003 na ang charcoal briquetting ang magiging solusyon upang mabawasan ang bulto ng basura sa nabanggit na lungsod sapagkat ang mga nabubulok na basura ang kakailanganin para makabuo ng uling.
Kakailanganin lamang ang bricator at carbonizer upang maisagawa ito na agad namang sinang-ayunan ni Mayor Ramon Talaga Jr. (Tony Sandoval)