Alalay ng alkalde itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Hindi nakaporma sa karit ni kamatayan ang isang 47-anyos na security aide ni Castilla Mayor Renato Laurinaria makaraang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay Ariman sa bayan ng Gubat, Sorsogon kamakalawa. Nakatakbo pa at nakapagtago ang biktimang si Edmund Para, subalit binawian din ng buhay dahil sa pagkaubos ng dugo. Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Regondola, provincial director, bumisita ang biktima sa kanyang mga kaanak dahil sa pagdaraos ng kapistahan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumapit sa likurang bahagi ng biktima ang ilang kalalakihan at pinatukan ito ng sunud-sunod. Posibleng ginantihan ang biktima dahil sa idineklarang all-out war ng nabanggit na alkalde laban sa mga rebelde. (Ed Casulla)

Show comments