Ambush: 3 pulis, 1 sibilyan dedo

CAMP AGUINALDO – Tatlong pulis at isang sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa bahagi ng Barangay Bualo, Maimbung, Sulu kahapon ng umaga. Ayon sa ulat, kabilang sa napatay ay sina P/Chief Insp. Abdusamad Manialas, police chief sa bayan ng Maimbung; SPO3 Aling Jumin at SPO3 Alonto Ismael, samantalang hindi naman nakilala ang isang sibilyang nadamay. Sa inisyal na ulat, bandang alas-9 ng umaga nang tambangan ang mga biktima sa nabanggit na lugar na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng mga bandidong Abu Sayyaf. Tugis na ng tropa ng 33rd Infantry Batallion ang mga bandidong nagsitakas matapos na tambangan ang mga biktima. (Joy Cantos)

Show comments