Killer truck: 2 patay, 9 sugatan

TAYTAY, Rizal – Dalawa-katao na sakay ng motorsiklo ang iniulat na nasawi habang siyam naman ang sugatan makaraang araruhin ng trak na nawalan ng preno ang labindalawang sasakyan sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal kahapon ng umaga. Kinilala ang mga nasawi habang isinusugod sa Manila East Hospital na sina Edwin Nava, 35; at Alvin Ebrole 28, pawang residente ng Antipolo City. Sugatan naman si Joseph Fernandez, mga anak na sina Jonas, 9; Jolly Joy, 7; at Jovi 12; Leo Fernandez, kamag-anak ng mga Fernandez; Christian Orleta, Melinda Garcia, John Raymond Chua, at Nelson Rosalinda na pawang sakay naman sa traysikel na nabangga ng trak. Samantala naaresto naman ng pulisya ang drayber ng trak na si Ruben Ignacio, 56. Kabilang sa mga sasakyang inararo ng trak (PTN-277) ay ang delivery van (UUS-544), dalawang traysikel, dalawang motorsiklo, Toyota Vios (ZBK 327), Honda Civic (WKU 182), Toyota Revo (XSS 589) at Mitsubishi Lancer (TLM 500), isang pampasaherong dyipni at owner-type jeep. (Edwin Balasa)

Show comments