Animoy manok na kinarit hanggang sa mapugot ang ulo ng biktimang si Luisa Santiago, 78, biyuda ng nabanggit na barangay, samantalang naghihimas ng rehas na bakal at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Eliseo Santiago.
Sa imbestigasyon ni PO2 Ramil Leoncio, bandang alas-4:30 ng hapon nang dumating sa kanilang bahay ang suspek at humihingi ng isang stick ng sigarilyo sa biktima.
Ayon sa pulisya, tumanggi ang biktima sa pakiusap kaya nagalit ang suspek at nagtungo sa likurang bahagi ng kanilang bahay at kumuha ng isang karit.
Namataan ng ilang kapitbahay ang suspek na galit na pumasok sa bahay at walang sabi-sabing ginilitan ng leeg ang kanyang ina hanggang mapugot ang ulo nito.
Dahil sa komosyon sa loob ng bahay ng mag-ina ay agad na ipinagbigay-alam ng mga kapitbahay sa pulisya ang insidente.
Ilang oras matapos maganap ang brutal na pagpatay sa biktima ay nasakote rin sa loob ng kanilang bahay ang suspek na nakatulalang hawak pa ang duguang karit. (Dino Balabo)