Kinilala ni P/Chief Inspector Isagani Fetizanan, hepe ng Padre Garcia PNP, ang biktimang si Andrew "Celso" Dimaculangan, 36, may-asawa, negosyante at residente ng Barangay Banaba ng bayang nabanggit.
Napag-alamang unang ibinigay na impormasyon ni Fetizanan, ang pangalan ng biktima na Celso Dimaculangan at itinanggi nitong miyembro ng Bayan Muna ang biktima.
Subalit sa beripikasyon ng PSN kay Oscar Lapida Jr., Bayan-Southern Tagalog Media Information Officer, kinumpirma nito na ang napatay ay si Andrew Dimaculangan, isang aktibong miyembro at municipal coordinating officer ng grupong Bayan Muna sa Padre Garcia.
Pagkaraan ng ilang interview, inamin din ni Fetizanan na si Andrew at Celso na una nyang ibinigay na pangalan ay iisa. "Tinatawag din kasing "Celso" yan dito sa Padre Garcia kaya yon ang una kong ibinigay na pangalan".
"Bakit nila idine-deny na miyembro sya (Dimaculangan) ng Bayan?, para hindi na ikober ng media at mapagtakpan na ang kaso?, dagdag pa ni Lapida sa PSN. Si Dimaculangan ay pinaslang bandang alauna ng hapon habang nasa harap ng kanyang swine weighing station.
Sinikap pang isalba ang buhay ni Dimaculangan, subalit idineklarang patay sa N.L. Villa Hospital sa Lipa City matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)