Mag-syota nag-sex bago nag-suicide

CAMP AGUINALDO — Hanggang kamatayan ay magkayakap na nagsama ang mag-syota na pinaniniwalaang pinaghihiwalay makaraang magbaril ang dalawa sa loob ng isang hotel sa Camp John Hay, Baguio City kamakalawa.

Ang mag-syota na nag-check-in sa Manor Hotel noong Hunyo 30 ng hapon ay nakilalang sina Charlie Chua, 41 at Michelle Iraham, 19.

Sa ulat ng pulis-Baguio City, dakong alauna ng hapon nang makarinig ng dalawang magkasunod na putok ng baril ang mga staff ng nabanggit na hotel mula sa Suit 138.

Agad na tinungo ng mga staff ng hotel ang pinagmulan ng putok at dahil sa hindi mabuksan ang pintuan ay napilitang gamitin ang duplicate na susi kung saan laking gulat ng mga ito nang tumambad ang duguang bangkay ng mag-lover na kapwa nakabulagta sa kama.

Narekober ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang baril na cal.40 German Walter na may 8 pang bala.

Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen. (Joy Cantos)

Show comments